GMA Logo michael v bitoy story
Celebrity Life

Michael V., nalungkot sa pansamantalang pagkakahiwalay sa kanyang pamilya

By Aedrianne Acar
Published July 20, 2020 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

michael v bitoy story


Marami ang nagulat nang aminin ni Michael V. na positibo siya sa COVID-19. Inilahad niya ito sa pamamagitan ng kanyang vlog na "Bitoy Story 29," na kasalukuyang mayroon nang mahigit isang milyong views ilang oras matapos mai-upload sa YouTube.

Nakaaantig ang latest vlog ng Kapuso comedian at creative director na si Michael V. ngayong araw, July 20, kung saan kinumpirma niyang tinamaan siya ng COVID-19.

Sa isang bahagi ng naturang vlog, ikunuwento ni Michael V. na mahirap na mahiwalay sa kanyang asawa at mga anak.

Saad niya, “Gabi na naman, katatapos ko lang kausapin 'yung panganay ko si Milo, siya 'yung lagi niyong nakikitang nandito sa loob kasama ko nagse-set up dito sa studio.”

Tumangis na ang luha ni Bitoy nang pag-usapan ang sitwasyon niya, kung saan naka-isolate siya sa kanyang pamilya.

“Mahirap pala, 'no? Lumipas na naman ang isang buong araw na 'di mo sila nayayakap, 'di mo sila nahalikan, hindi mo lang sila nakita.

“Buti na lang may Face Time, buti na lang may Messenger. Pero 'yun, at the end of the day, na-realize mo na lumipas na naman ang isang araw na mag-isa ka.”

Vlog ni Michael V may one million views na

Vlog ni Michael V. may one million views na | Source: Michael V. YouTube channel

Matapos mai-upload sa YouTube ang kanyang vlog na "Bitoy Story 29," bumuhos ang simpatiya at suporta para kay Bitoy at sa kanyang pamilya sa Twitter.

Marami ang nag-tweet ng dasal para sa mabilis na paggaling ng kanilang idol.

Samantala, agad din nag-viral ang vlog ni Bitoy, na sa loob lamang walong oras ay nakalikom na ng one million views.

Screenshot from Bitoys vlog

Screenshot from Bitoy's vlog

Panoorin ang kabuuan ng vlog ni Michael V. rito: