
Clue: Sila ay mag-beh.
By FELIX ILAYA
Kaunting tulog na lang at mapapanood na sa telebisyon ang pinakabagong musical reality show sa Pilipinas, ang Lip Sync Battle Philippines.
LOOK: Michael V and Iya Villania give a sneak peek of the 'Lip Sync Battle Philippines' arena
Excited na ang host ng naturang show na si Michael V na ibalita ang unang dalawang contestant na maglalaban sa lip sync battle stage. Sino kaya sila?
Sila ay walang iba kung hindi sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo! Matatandaan na sumikat ang tambalan ng dalawa nang bumida sila sa My Husband's Lover, binansagan pa nga ang tambalan nila na TomDen. Hinikayat din ng komikero na mag-comment ang mga tao sa kaniyang Instagram post na sabihin kung sino ang gusto nila makitang maglaban sa Lip Sync Battle Philippines.
Heto pa nga si Dennis Trillo na matikas ang tindig habang nagre-rehearse para sa kaniyang performance.
Kayo mga Kapuso, sino pa ang gusto niyong artista na makitang lumahok sa nag-iisang musical reality show sa bansa, ang Lip Sync Battle Philippines.
IN PHOTOS: 'Lip Sync Battle Philippines' meets the press
MORE ON MICHAEL V:
Michael V previously joined 'Eat Bulaga' contest; got low mark from judge Ogie Alcasid
ICYMI: Star-studded birthday salubong of Michael V