
Maraming hinandang pasabog at sorpresa ang award-winning at longest-running gag show na Bubble Gang para sa kanilang anniversary this month.
May patikim na rin ang Kapuso ace comedian at content creator na si Michael V. sa mga bigating guest na makakasama nila sa "Bente O-chew" anniversary episodes sa November 19 at November 26.
Sabi ng actor-director na si Michael V. sa kaniyang Instagram post, “Proud to say that these are not Photoshopped.
“28 years na ang #BBLGNG! Sino ang pinaka-memorable na BG character sa inyo?”
Isa sa mga makakasama sa grand anniversary presentation ng gag show ang chef-vlogger na si Ninong Ry na ni-repost ang cute selfie nila ni Bitoy sa Instagram.
Aniya, “Sa wakas!!!! Abangan sa @bubblegang 28th anniversary!!! @michaelbitoy idol!!!”
Mapapanood din sa anniversary special Bubble Gang sina Kuya Kim Atienza at ang jamming ni Lolo Kanor kasama ang popular OPM band na Lola Amour.
Matatandaan na nag-viral ang kanta ni Michael V. na "Waiting Here Sa Pila," na parody ng hit song ng naturang banda na "Raining in Manila."
Source: michaelbitoy (IG)
Makikisaya rin sa Bubble Gang anniversary sina King of Talk Boy Abunda, John Feir, Pekto, at Star of the New Gen Jillian Ward.
TINGNAN ANG ILANG PANG HIT PARODY SONGS NI BITOY RITO:
Para sa latest news at announcement sa nalalapit na "Bente O-𝙘𝙝𝙚𝙬" anniversary episodeS ng Kapuso gag show, please visit GMANetwork.com.