GMA Logo Michael V on deep fake
What's Hot

Michael V, pag-iisapan ang legal na aksyon laban sa deepfake creator

By Dianne Mariano
Published June 7, 2025 12:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V on deep fake


Naging biktima ang comedy genius na si Michael V. ng deepfake video na nag-eendorso umano ng produkto.

Naalarma ang Kapuso comedy genius na si Michael V. sa isang deepfake video na nagpapakitang nag-eendorso siya ng isang produkto.

Pagbabahagi ng award-winning comedian sa report ni Raffy Tima para sa 24 Oras, "Siyempre, na-alarm kaagad ako. Alam ko kasi maraming mga netizens, maraming mga mahilig sa social media na baka maapektuhan in a negative way, baka maniwala.”

Kaagad namang gumawa ng vlog si Michael V. upang pasinungalingan ang kumakalat na video at nai-report na rin niya ang nag-post nito at binlock sa kanyang social media pages.

“Titingnan natin kung ano gagawin niya kasi pagka-persistent siya, pagka-gumawa ulit siya ng aksyon at inulit niya, mukhang gagawan na namin ng legal action,” aniya.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na naging biktima ng deepfake sina GMA Integrated News personalities na sina Mel Tiangco, Vicky Morales, Mariz Umali, at It's Showtime host na si Anne Curtis.

RELATED GALLERY: BEWARE: Celebrities, nagbabala tungkol sa fake social media pages

Ayon sa report, mayroong aksyong ginagawa ang Department of Information and Technology (DICT) upang labanan ang pagkalat ng deepfake.

Bukod sa telecommunications companies, tuloy-tuloy daw ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga social media platform upang ma-block kaagad ang mga pekeng endorsement.

“Ang tawag po doon sa mekanismo na 'yon, geo-blocking/geo-locking. 'Yung same mechanism po ng technology na 'yan. 'yun 'yung sinasabi ko sa mga streaming platform at sa mga social media platform. Alam n'yo, kaya niyo namang i-prevent 'yan proactively e,” paliwanag ng DICT secretary na si Henry Aguda.

Panoorin ang buong 24 Oras report sa video na ito.