GMA Logo Michael V, Pepito Manaloto
What's on TV

Michael V., proud na tampok ang real-life stories sa 'Pepito Manaloto'

By EJ Chua
Published July 20, 2024 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V, Pepito Manaloto


Isa ka rin ba sa nakaka-relate sa ilang kuwento sa sitcom na 'Pepito Manaloto'?

Mahigit 14 years nang nagbibigay saya sa mga manonood ang Pepito Manaloto.

Tampok sa Kapuso sitcom ang iba't ibang kuwento kada linggo na talaga namang may dalang positive vibes.

Sa “Chika Minute” report na ipinalabas nitong Biyernes, July 19 sa 24 Oras, napanood ang naging pahayag ni Michael V. tungkol sa Pepito Manaloto.

Ayon sa actor-comedian na direktor na rin ngayon ng programa, parte na ng kuwento ang reflection ng bawat buhay ng ilan sa mga kasama niya sa sitcom.
Pahayag niya, “Naka-reflect 'yung buhay… hindi lang ng totoong cast ng Pepito Manaloto, kundi pati 'yung staff and crew, 'yung mga buhay nila, nare-reflect sa show minsan.”

Ngayong Sabado, July 20, isang real-life story ang tampok dito.

Ito ang istorya tungkol sa pago-golf ng misis ni Bitoy sa totoong buhay na si Carol Bunagan.

Bukod kay Bitoy, bida rin sa sitcom ang aktres na si Manilyn Reynes.

Parte rin ng cast nito sina Jake Vargas, Angel Satsumi, Janna Dominguez, Mosang, Jen Rosendahl, at marami pang iba.

Related Gallery: 'Pepito Manaloto' stars, may fun at bukingan moments sa 'Fast Talk
with Boy Abunda'