GMA Logo michael v
What's on TV

Michael V., sa muling paglabas ni Ciala Dismaya sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published September 16, 2025 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pokémon cards sa tindahan, pinuntirya ng mga armadong kawatan sa US
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl
Arnie Teves, 2 others acquitted in 2019 murder case

Article Inside Page


Showbiz News

michael v


Michael V: “Pilit ko man gawin ng sarili ko sa social media iba pa rin kapag may tatak 'Bubble Gang'”

The internet has spoken at aprub para sa mga netizen ang bagong karakter ng multi-awarded comedian na si Michael V. bilang si Ciala Dismaya.

Source: 24 Oras & Bubble Gang (FB)

Umani na ng multi-million views sa social media ang pagganap ni Michael V. bilang si Ciala Dismaya, na parody ng controversial contractor na si Cezarah “Sarah” Discaya. Siya ay nasasangkot sa mga umano'y maanomalyang flood control projects sa Department of Public Works at Highways (DPWH).

Sa panayam ng 24 Oras sa Bubble Gang pioneer, sinagot niya kung may part two ng hearing ni Ciala Dismaya.

Aniya, "Antayin natin. Antayin nating kung gaano kalala 'yung magiging mga akusasyon dito kay Ciala Dismaya. At kapag mayroon naman, siguradong hindi kayo madidismaya. Magkakaroon naman ng part two 'yan,"

Sinabi rin ng Kapuso comedian na malaking bagay na may avenue siya tulad ng Bubble Gang para makagawa ng mga ganito klaseng karakter.

“Even before pang lumabas, di ba, parang napaka-tindi nung hype behind it? So, parang nakakataba ng puso. Actually, it's the show. Kung hindi naman dahil sa show, parang wala naman akong lugar or channel for this one. Pilit ko man gawin ng sarili ko sa social media iba pa rin kapag may tatak Bubble Gang talaga, e.”

Sa mga nakapanaood ng Ciala Dismaya character ni Bitoy sa Bubble Gang nitong Linggo, September 14, maraming Batang Bubble ang natuwa sa kakaibang twist na ginawa ni Michael V. na nagpaaalala sa maraming fans sa isa pang beloved BG character na si Mr. Assimo.

"Una ang napansin ng mga tao parang si Mr. Assimo raw 'yung ginagaya.” ani Bitoy. “Tapos biglang nag-shift doon sa kamukha ko raw. 'Yun nga 'yung napansin ko noong una, parang kahawig ko talaga. Tapos nakikita ko sa mga comments eh namemention palagi si Mr. Assimo. Sabi ko pagsamahin ko na lang kaya parang pwede naman. Mukhang nag-work naman,"

RELATED CONTENT: Michael V.'s best characters on Bubble Gang

Para naman kay Betong Sumaya na gumanap na Senator Markolekta, binigyan diin niya na kahit nakakatuwa ang sketch nila ay may “mahalagang mensahe” ito na kapupulutan ng viewers.

“Sa kabila ng marami tayong pinagdadaanan e, ginawa nating medyo light naman noh. Light side, pero may matinding mensahe para sa mga viewers.”

Panoorin ang kabuuan ng report dito: