
Isang hamon ang iniwan ng Kapuso comedy genius na si Michael V sa mga aspiring vloggers.
Sa kaniyang latest video na inupload sa YouTube, ibinahagi niya ang naging inspirasyon niya kung bakit niya naisip ang #BitoyStory.
LOOK: Michael V receives Silver Play Button from YouTube
Paliwanag ng Bubble Gang star, “Lagi 'yan sa dulo ng vlog nagsasabi ako ng mga inspirational words kasi gusto ko talaga mag-inspire ng mga tao. So, itong vlog ito 'yung tingin ko perfect venue for me.”
May mahalaga rin payo si Bitoy sa mga taong gusto maging content creators na huwag basta-basta gumawa ng vlog.
Wika niya, “So, kayo rin huwag kayo basta-basta gumawa ng mga vlog, sana mayroon kayong objective, mayroon kayong gustong mangyari. Gusto n'yo mag-inspire ng mga tao in such a way na kaya ninyo and kayo lang ang nakakagawa or kaya ng iba, pero kaya n'yo rin gawin.”
Sinagot din niya ang tanong ng isang netizen kung ang tulad ba niya na isang highly-accomplished creative director ng Bubble Gang at Pepito Manaloto ay nauubusan ba ng ideas.
Pag-amin ng Kapuso comedian, “And the answer is yes, maraming mga taong nauubusan talaga ng ideas dito sa industry kaya nga minsan pagka nanonood ka ng TV parang pare-pareho na 'yung napapanood mo. Ibig sabihin lang nun nagkakaubusan talaga.
“And yes there is a solution, you just have to work with the right people. 'Pag ubos na 'yung tanke mo, sila 'yung nagpo-provide ng gasolina para sa 'yo. Maraming taong nakapaligid sa akin na magagaling, dependable and of course handang saluhin ka during those times na talagang walang-wala ka nang maisip.”
Video courtesy of Michael V
Kamakailan lang natanggap ni Michael V mula sa YouTube ang Silver Play Button award matapos umabot ang kaniyang vlog nang hindi bababa sa 100,000 subscribers.