
Multi-awarded comedian and content creator Michael V. wrote a poem to express his thoughts about the May 9 election results.
In an Instagram post showing what looked like an abstract red painting, Michael V. shared a poem about the election results and congratulating the incoming new president.
Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito.
Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO.
Lahat kayo na bumoto at nagluklok sa kanya sa trono
Kayo ang boses ng Pilipino kaya mananahimik na 'ko.
Hindi politiko kundi hamak na artista.
Larawan at tula; 'yan lang ang hawak kong sandata.
Wala akong ambisyon na mamulitika.
Baka manalo lang ako, hala, naloko na!
“Comedy at entertainment” hanggang do'n lang ang ambisyon.
Hindi “puwesto sa gobyerno” kundi “time slot sa telebisyon”.
Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon
At wala 'kong dahilan na baguhin 'yon ngayon.
Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n'yo.
Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko:
Isang mata sa bayan at isang mata sa 'yo.
Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita 'binoto.
Sige na, move on na. 'Wag nang maghanap ng butas.
Ang trabaho n'yong naiwan naghihintay pa rin 'yan bukas.
Ngayon alam na natin kung sino lang ang malakas,
Mabuhay ang bagong Pangulo ng Pilipinas.
The Instagram post drew numerous reactions and many are hoping for better days ahead for the country.
Find out who are the celebrities who got elected and who lost in this year's election here: