
“Healthy, no oil na air fryer. Pero may handle parang hair dryer”
“Videoke machine, malakas ang tugtog pero sa microphone lumalabas ang tunog”
Mapapakamot ang lahat sa live selling ng isa sa beloved Bubble Gang characters na pinasikat ng award-winning comedian na si Michael V.
Nitong May 17, nagbabalik si DJ Boom Buy at ngayon sumabay na siya sa bandwagon ng mga nagla-live sell pero with a twist ang mga produkto.
Sa panayam kay Michael V. ng 24 Oras, ikinuwento nito na mapapa-add to cart sa kakatawa ang mga Gen-Z sa mga binebenta ni DJ Boom Buy.
Saad ng Kapuso comedian, “'Yung mga products, medyo pang-Gen Z na. So most of the products na ginagamit ng mga Gen-Z ngayon, meron siyang version niya. Abangan n'yo dahil ano siya very innovative saka murang-mura lang.”
Bumuhos ang papuri sa Bubble Gang ng netizens at fans dahil muli nilang binalik sa gag show ang isa sa iconic characters na tatak Batang Bubble.
Post ng isang netizen sa YouTube, “grabe tawang-tawa ako. in fairness daming bago ah hahahha.”
May isa rin na nagkomento sa Facebook na "nostalgic" na mapanood uli si DJ Boom Buy.
RELATED CONTENT: Michael V.'s best characters on 'Bubble Gang'