GMA Logo Michele Gumabao and Aldo Panlilio
What's on TV

Michele Gumabao, inaming nagbago ang asawang si Aldo Panlilio matapos ikasal

By Kristian Eric Javier
Published June 5, 2025 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Michele Gumabao and Aldo Panlilio


Kahit matagal nang magkarelasyon, nagulat pa rin si Michele Gumabao na nagbago ang asawang si Aldo Panlilio matapos ang kanilang kasal.

Kahit na umabot ng walong taon bago ikinasal sina Michele Gumabao at Aldo Panlilio, malaki pa rin ang pinagbago ng naturang PBA coach matapos silang mag-level up sa relationship.

Sa pagbisita ni Michele sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 4, sinabi niyang mas nakilala pa nila ni Aldo ang isa't isa dahil sa mahaba nilang relasyon. Aniya, hindi na niya inaasahan na may magbabago pa rito matapos silang ikasal.

“When people would ask me this question, Tito Boy, honestly, sabi ko talaga sa kanila, 'Ano pa bang mag-iiba, eight years na kami? And we've been living together, and we've spent so much time together. I don't think anything's gonna change,'” pag-alala ni Michele.

Ngunit matapos silang ikasal, naging mas sweet at mas clingy umano ang kaniyang asawa, at sinabing talagang sineryoso ni Aldo ang kaniyang husband role.

“Nu'ng kinasal kami, we valued more quality time with each other and just getting to spend moments like calling him my husband, him calling me wife, I didn't think it was going to be that different,” sabi ng dating volleyball player.

BALIKAN ANG BEAUTIFUL SECOND WEDDING NINA MICHELE AT ALDO SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa pag-level up ng kanilang relationship from boyfriend-girlfriend to married, isa pa umanong nag-iba ay ang pagiging clingy ni Aldo, at mas sweet nito.

“Ngayon feeling ko, lagi niya akong hinahanap, or 'di ko alam kung talagang lakwatsera lang ako, pero lagi niya akong hinahanap and he's much more sweeter, like he pays attention to the details,” sabi ni Michele.

Natatawang kuwento pa nito ay minsan tinatanong niya ang asawa kung may problema ba ito dahil bigla-bigla na lang umanong nagpapadala ng food at small surprises para sa kaniya. Pag-amin naman ng dating beauty queen, sinabi rin naman niya sa asawa na mas gusto niya ang small gestures. Ngunit aniya, tila nag-level up din ang mga ito.

“So ngayon, after the wedding, parang mas naging bongga siya so ako, kinakabahan ako, sabi ko, 'May ginawa ka bang mali?' Pero du'n ko na-realize na it's there pala,” pagpapatuloy ni Michele.

Panoorin ang panayam kay Michele dito: