
Pinatunayan ng batikang aktres na si Jean Garcia na kaya niyang maging bida o kontrabida sa kahit anong teleserye. Mula sa pagiging kontrabida sa Lolong, napapanood na ngayon bilang bida ang beteranang aktres sa Nakarehas Na Puso.
Kung sa Lolong ay si Jean ang nang-aapi, sa Nakarehas Na Puso ay siya ang aapihin ng karakter na ginagampanan ni Michelle Aldana.
Kuwento ni Michelle, si Jean ang mismong nagturo sa kanya kung paano maging kontrabida at pinayuhan siya nitong 'wag matakot kung may sampalan at sabunutan silang dalawa.
"I was so flattered to be working besides the big, 'di ba alam natin si Ms. Jean Garcia, siya talaga 'yung ultimate kontrabida sa Philippine cinema, 'di ba? Sa Philippine television," kuwento ni Michelle sa kanilang guesting ni Leandro Baldemor sa Kapuso ArtisTambayan.
"I was so, so excited to work with her pero may kaba. But then, we start working, tapos sabi niya, 'Ba't ganito?' Meron kasi kaming mga sabunutan, sabi niya, 'Huwag kang matakot d'yan, ganito lang gagawin natin d'yan.'
"And she explained to me [kasi] hindi ko pa nagawa 'yun ever, 'yung sabunutan, tapos merong sampalan. 'Yung sabunutan, sabi niya, 'Ganito lang 'yan,' and then she explained it to me, [so] hindi kami nagkasakitan or whatever."
Dagdag ni Michelle, masarap sa pakiramdam niya na buong-buo ang suporta ng kanyang mga katrabaho sa muli niyang pagbabalik sa showbiz sa Pilipinas.
"Masarap kasi ang mga kaeksena ko, ang mga co-actors ko ay napakahusay at napaka-generous. Itong si Leandro, napaka-generous din na actor n'yan, parang, 'Sige, halika throw lines na tayo,' so may feedback agad."
Panoorin ang buong panayam ni Michelle sa Kapuso ArtisTambayan dito:
Mapapanood ang Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.
SAMANTALA, MATAGAL NAWALA SI MICHELLE SA PILIPINAS NANG TUMIRA SIYA SA SOUTH AFRICA KASAMA ANG KANYANG PAMILYA. SILIPIN ANG KANYANG BUHAY ROON SA GALLERY NA ITO: