GMA Logo Michelle Dee Arra San Agustin
What's on TV

Michelle Dee at Arra San Agustin, scene-stealers sa 'Mga Lihim ni Urduja'

By Abbygael Hilario
Published March 1, 2023 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Michelle Dee Arra San Agustin


Sparkle beauties na sina Michelle Dee at Arra San Agustin, hinangaan ng netizens sa kanilang action scene sa 'Mga Lihim ni Urduja.'

Agaw-eksena sa mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja' ang karakter ng Kapuso stars na sina Michelle Dee at Arra San Agustin.

Sa naturang palabas, gumaganap si Michelle bilang si Freya, ang femme fatale ng bounty hunter gang na may mahusay na combat skills.

Ginagampanan naman ni Arra ang karakter ni Valencia, isang sexy female bounty hunter na expert pagdating sa pagbabalatkayo.

Sa #UrdujaItinakda episode kagabi, ipinakita ng dalawang aktres ang kanilang fierce at sexy looks habang kinakalaban nila sina Gemma (Kylie Padilla) at Crystal (Gabbi Garcia).

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Bukod sa kanilang magandang visuals, marami rin ang humanga sa kanilang ipinakitang galing pagdating sa action scene.

Para sa mga nakapanood nito, tila international action stars ang naging datingan ng dalawa.


Samantala, habang tumatagal ay mas titindi pa ang tagisan sa pagitan ng Team Urduja at Bounty Hunters.

Kanino kaya mapupunta ang mga nawawalang hiyas ni Urduja?


Abangan sa mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG HIGHLIGHTS MULA SA MEDIA CONFERENCE NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: