GMA Logo Michelle Dee
Source: michelledee (IG)
What's on TV

Michelle Dee, focus muna sa second single at itinayong kumpanya

By Kristian Eric Javier
Published May 6, 2025 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Michelle Dee


Matapos ang hit single niyang 'Reyna,' pinaghahandaan na ni Michelle Dee ang ikalawa niyang single.

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Michelle Dee sa fans ng kanyang kauna-unahang single na 'Reyna!'

Sa pagbisita ni Michelle sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 5, ibinahagi ng actress-beauty queen na pagkatapos ng kanyang unang awitin ay malapit na rin ilabas ang ikalawa niyang single.

“Malapit na malapit na po 'yung second single ko, it's so, so exciting, it's so anthemic,” pagbabahagi ni Michelle.

Sa ngayon ay wala pang ibang detalyeng binigay ng dating beauty queen tungkol dito.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG SA MGA "POGANDA" LOOKS NI MICHELLE SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa kanyang bagong single, isa sa mga pinagkakabalahan ni Michelle ngayon ay ang kanyang kumpanya na Personifi, isang creative production company kung saan siya mismo ang may-ari at creative director.

Ani Michelle, “Tito Boy, I'm very excited to grow my company, Personifi, so not a lot of people know that they're behind all of my visuals, my marketing campaign, even my commercials.”

Ang kumpanya rin niya umano ang nasa likod ng produksyon ng music video ng kanyang single na 'Reyna.'

Pagbabahagi ni Michelle, excited na rin ang kanyang kumpanya na ilunsad ang dalawang produktong tinatrabaho niya ngayong taon: isang beverage product at isang skin care product.

Sa ngayon ay grateful lang si Michelle na pagkatapos ng kanyang Miss Universe 2023 stint ay tuloy-tuloy pa rin ang trabahong natatanggap niya.

“I'm so blessed, I'm so thankful to God and the universe that no matter where I am, they're pouring opportunities my way. Whether it's me helping in opening them or just the beauty of life and the opportunities that are coming my way,” sabi ni Michelle.

Pagbabahagi ng Kapuso actress, nakatakda siyang mag-travel sa natitira pang mga buwan ngayong taon, at sinabing marami siyang nakaabang na trabaho ngayon sa Amerika.

“It's very exciting and I have projects in New York and Paris that I'm flying to also. Fashion Week and my representation in the US also kaya nakakataba po ng puso na despite coming home since 2023, I'm still being blessed with so many opportunities.”