
Ber months na pero hindi pa rin nagpahuli sa init ang Sparkle actress at beauty queen na si Michelle Marquez Dee!
Sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Miyerkules, November 6, ipinakita ang Maldives getaway ni Miss Universe Philippines 2022. Kamakailan lamang siya ay isang cowgirl Michelle noong Halloween na nakagayak na isang blonde at nakaporma ng denim chaps.
Napili naman ng aktres na magbakasyon sa vacation paradise na Maldives. Makikita sa litrato na suot-suot ni MMD ang sultry at sexy na black and white two-piece swimsuit.
"Finally, Dora in Maldives," isinulat niya sa caption sa kanyang Instagram.
Pagkatapos ng kanyang maikling bakasyon, back to work naman na ang aktres ngayong weekend.
Sa unang pagkakataon, matutunghayan si Michelle at ang kanyang matalik na kaibigang si Rhian Ramos na magkasama sa Magpakailanman ngayong Sabado, November 9.
"Nagulat po kami pero na-excite din kasi first project namin together and, of course, napakaganda pa ng kuwento," paliwanag niya.
Ginagampanan ni Michelle ang karakter ni Janine na nakipagrelasyon sa karakter ni Rhian na si Lea na isang bisexual. Nagkaroon ng pagsubok ang kanilang pagsasama na naging dahilan para makipaghiwlaay pero sa huli sila pa rin ang magkasama.
Binati rin ni Michelle ang pag-arte ng kanyang bestfriend at first time niya ito matunghayan sa taping.
"Ang taas ng tingin ko kay Rhian," pagbati niya.
Mapapanood ang Magpakailanman episode ngayong Sabado, Nov. 9, 8:15 pm.
Panoorin ang buong ulat dito:
Related gallery: Michelle Dee is always beach-ready with her sexy swimsuits