GMA Logo michelle dee
Source: michelledee/IG
What's Hot

Michelle Dee: 'I'd love to represent the Philippines again'

By Jansen Ramos
Published June 16, 2026 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Asong mahilig sa aircon, may nakakatawang reaksyon sa pagtitipid ng amo | GMA News Feed
GMA Network, Viva Music Group forge landmark partnership to transform OPM scene
5 Seconds of Summer adds third day to Manila show

Article Inside Page


Showbiz News

michelle dee


Ipinahayag ng Sparkle beauty na si Michelle Dee ang kanyang kagustuhang i-represent muli ang Pilipinas sa global stage kung magkakaroon ng oportunidad.

Abala nang muli si Michelle Dee sa pagdalo sa local events matapos ang kanyang hosting stint sa coronation night ng Miss Grand International All Stars na ginanap noong May 30 sa Bangkok, Thailand.

Sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel kamakailan sa 24 Oras, inihayag ni MMD kung gaano siya ka-proud sa Pinay beauty queens na nag-represent sa bansa sa nasabing pageant, kabilang na ang co-Sparkle beauty niyang si Gazini Ganados na nakapasok sa top five. Si Vanessa Pulgarin ng Colombia ang kinoronahang first MGI All Stars winner.

Ani Michelle, "I'm so proud of Gazini. I think the whole country is proud of Gazini. Binigay naman talaga n'ya lahat ng makakaya n'ya."

Gaya ni Gazini, ibinahagi ni Michelle na willing siyang maging kinatawan muli ng Pilipinas sa global stage kung sakaling magkaroon ng oportunidad.

Ika niya, "I never close my doors. As soon as an opportunity opens or there's a window and as long as kaya ko pa, ilalaban ko talaga kasi I'm not ashamed to say na I'd love to represent the Philippines again."

Ni-represent ni Michelle ang Pilipinas sa Miss Universe 2023 competition na ginanap sa El Salvador. Sa nasabing pageant, nakapasok siya sa top 10 at nag-uwi ng special awards gaya ng Best in National Costume.

Panoorin ang buong ulat.

RELATED FEATURE: Take a look back at Michelle Dee's reign as Miss Universe Philippines