
Naghain ng reklamong perjury sa National Bureau of Investigation (NBI) ang actress-beauty queen na si Michelle Dee laban kay Alyas Totoy, ang dating driver at personal assistant ng kaibigan niyang si Rhian Ramos.
Ayon sa ulat ng 24 Oras noong Martes, March 10, sinabi ni Dee na malaki ang pinagkaiba ng dalawang pahayag ni Alyas Totoy.
Sa affidavit daw nito bilang sagot sa isinampa ni Dee na reklamong qualified theft, inamin ni Alyas Totoy ang pagkuha sa angpao. Pero sa sworn statement ni Alyas Totoy sa NBI, itinatanggi niya raw ito.
Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuhanan ng pahayag si Alyas Totoy.
Nauna nang naghain si Alyas Totoy ng reklamo laban kina Dee, Ramos, at sa kaibigan nilang si Samantha Panlilio dahil sa panggugulpi umano.
Nagsumite na si Dee ng counter affidavit sa reklamo.
Panoorin ang report sa video sa ibaba.
RELATED FEATURE: Mga celebrities na ninakawan