
Magaganap na inaabangang LoveLaban Pride Festival ng Quezon City sa June 27. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng LGBTQIA+ community ngayong Pride Month. At sa pagdalo ng Kapuso actress at beauty queen na si Michelle Dee, sinabi nitong may gusto siyang imbitahan sa nalalapit na pagdiriwang.
Pagbabahagi ni Michelle sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 16, ito na ang pangalawang pagkakataon na magtatanghal siya para sa naturang festival.
“I'll be performing an original single, 'Makatanong.' And I usually perform two songs—'yung second song, surprise ko na lang po 'yun, along with sana 'yung special gusto kong iakyat sa stage, makakaakyat din,” pagbabahagi ni Michelle.
Para kay Michelle, ang Pride Month ay tungkol sa authenticity at pagdiriwang kung sino ka talaga.
“It's really about celebrating who you are, who you're always meant to be, finding that strength within yourself, be who you are,” sabi ni Michelle.
Dagdag pa ng actress-beauty queen, malaki na ang naitulong sa kaniya ng LGBTQIA+ community at masaya siyang maipagdiriwang ulit ito “loud and proud.”
KILALANIN ANG CELEBRITY SUPPORTERS NG LGBTQIA+ COMMUNITY SA GALLERY NA ITO:
Samantala, hiningan din ni King of Talk Boy Abunda si Michelle ng paliwanag tungkol sa sinabi nitong “Technically single, but heart is taken.” Sabi ni Michelle, masaya lang talaga ang puso niya ngayon at “very safe.”
Ngunit pag-amin ng aktres, hindi siya makakapagbigay ng kongkretong sagot tungkol sa lagay ng kaniyang love life.
“Sa panahon ngayon, Tito Boy, I want things to be black and white. And life is not as black and white as we'd want, and unfortunately, I don't have a yes or no answer for you, but I do have a technically single," pagtatapos niya.
Panoorin ang panayam kay Michelle dito: