
Tila maraming fans ang humihiling sa isang powerful collaboration ng dalawang Encantadia Chronicles: Sang'gre stars na sina Michelle Dee at Sanya Lopez.
Sa isang Facebook post, napansin mismo ng Kapuso beauty queen ang isang fan-made edit. Hindi tungkol sa kanilang mga karakter na sina Hara Cassandra at Danaya, kundi sa kanilang iconic singles!
Muling pinusuan kasi ng fans ang 2022 empowering anthem ni Sanya na “Hot Maria Clara,” habang patuloy namang pinag-uusapan ang debut single ni Michelle na “Reyna.”
Dahil dito, maraming Encantadiks ang nagsimulang mangarap ng isang joint performance ng dalawang stars. Lumitaw na rin ang mga meme edits at mashup videos ng kanilang kanta!
"Katapusan mo na Mitena!" reaksyon ni Michelle sa isang fan mashup ng kanilang kanta.
Maraming Encantadiks ang natawa rin sa pahabol na comment ng Kapuso star. "Pak! Singerist ang na-DEVAS at ang ginawang Ice Candy."
Tuwang-tuwa ang fans sa kanyang witty remarks na agad namang sinabayan ito sa comment section. Sa ngayon, umabot na rin sa 42,000 views at higit sa 3,000 reactions ang post ni Michelle.
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Samantala, available rin sa digital streaming platforms ang "Reyna" at "Hot Maria Clara." Mapapanood din ang kanilang music videos sa YouTube.
Tingnan ang empowering photos ni Michelle Dee sa gallery na ito: