
Inireklamo ni beauty queen at actress Michelle Dee ng cyberlibel ang internet personality na si Xian Gaza at apat pang social media pages.
Dumulog si Michelle Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation kasama ang kanyang abogadong si Atty. Maggie Abraham Garduque.
Ayon kay Michelle, dahil ito sa patuloy na pagpapakalat ng fake news si Xian at iba pang social media pages tungkol sa kanya.
Source: michelledee (IG)
"Napakarami na po. Halos araw araw may lumalabas na mga maling impormasyon tungkol po kay Michelle. In fact, mayroon pong isa pa doon na nasa ibang bansa daw siya at tumakas. So here, she's here, kita n'yo naman. Never po syang umalis ng bansa," pahayag ni Atty. Garduque sa media.
Dagdag ni Michelle na bukas siya sa iba't ibang mga opinyon pero hindi sa paninirang puri.
"I've built my whole career out of blood, sweat and tears, so to be the subject of scrutiny, it's not the first time. Pero siyempre, nakakasakit kasi sometimes people with scandals like this, they forget what you've done for your career and the hard work you've put. Everyone is open to their own opinions--I respect all opinions. I respect constructive criticism, but there is a line that is crossed in terms of defamation and trying to intentionally take your career out of your hands," lahad niya.
Naniniwala din daw si Michelle na papanigan ng batas kung sino ang nasa tama.
"Well of course I'm human, I've been better pero may tiwala naman po ako sa sistema natin. Alam ko rin po na lalabas din ang katotohanan. Do I feel worried? I know I'm on the right side of it," aniya.
Samantala, nag-react naman sa reklamo si Xian sa kanyang Facebook page.
"Para ma-divert kay Xian Gaza Libel yung buong issue at malayo sa driver na binugbog nila at dinetain illegally," bahagi ng post nito.
"The truth is, nasira yung pangalan niya ng dahil kay Kuya Driver so kailangan nila ako ngayong kasuhan for damage control," mababasa pa dito.
Matatandaang itinanggi ni Michelle ang mga paratang ng driver na si Alias Totoy na inireklamo niya ng qualified theft matapos umano nitong kunin ang ang pao na may sampung valuable items.
Naibalik na ng asawa ng driver ang siyam dito, pero may isa pang nawawala.
Panoorin ang buong ulat ni Oscar Oida para sa 24 Oras sa video sa itaas.