GMA Logo Sang'gre actress Michelle Dee as Cassandra
Photo by: Michelle Marquez Dee
What's on TV

Michelle Dee, nagpaalam na sa Encantadia; may meme sa pagkamatay ni Cassandra

By Aimee Anoc
Published June 27, 2025 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sang'gre actress Michelle Dee as Cassandra


Avisala Meiste, Hara Cassandra!

Nagpaalam na si Michelle Dee sa kanyang character na si Cassandra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Namaalam na si Hara Cassandra matapos na mapatay ni Mitena (Rhian Ramos) sa paglusob nito sa Lireo noong Huwebes, June 27.

"Avisala meiste (paalam), Encantadia! Hanggang sa muli," caption ni Michelle sa kanyang Facebook post kung saan ibinahagi niya rin ang ilan sa mga eksena ng pagkamatay ni Cassandra.

Kinaaliwan naman ng netizens ang caption ni Michelle Dee sa sumunod na post kung saan ibinahagi niya ang "palakadong" pagkakamatay ni Hara Cassandra.

"Plakado pa rin dapat kahit deds na!" sulat niya.

Nag-post din siya ng meme kung saan makikita ang dalawang versions ng Top 5 announcements ng Miss Universe 2023 at ang dalawang clip ni Cassandra, una ay nung nabubuhay pa ito at ang pangalawa ay nang mamatay.

"5th crown na sana. Charot!"

Nagbigay riin ito ng "farewell speech" sa isa pa niyang post. Sulat niya, "No matter where the Devas takes me, I will always be proud to call Lireo my home and no matter what happens, I will always be proud to call myself Hara Cassandra."

Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO