
Muling nakisaya ang Kapuso star at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee sa It's Showtime ngayong Miyerkules, April 24.
Sa umpisa pa lang ng programa, naghandog ng birthday surprise ang It's Showtime family para kay Michelle. Bukod sa kanilang mga bati, nagbigay rin sila ng birthday cake sa beauty queen.
Patuloy ang kasiyahan kasama si Michelle sa “Karaokids” kung saan nakisali rin ang energetic Kapuso star na si Barbie Forteza. Kasama rin si Michelle sa panonood ng nakaka-kilig na segment “Expecially For You,” kung saan nakipagkulitan din siya sa mga host.
Matatandaang, bumisita si Michelle kasama ang kaniyang ina, ang dating Miss International 1979 na si Melanie Marquez, sa unang pag-ere ng programa sa GMA.
Sumali si Michelle sa “Expecially For You” bilang searchee, kung saan nakilala niya ang Cebu-based lawyer na si Oliver Moeller.
Sa huling pagbisita ni Michelle sa programa, tinanong siya ng mga host tungkol sa kanilang romantic date. Malaro niyang sinagot, "Ay… secret."
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Related content: Michelle Dee and Oliver Moeller's kilig moments on 'It's Showtime!'