
Masayang masaya si Kapuso beauty queen and actress Michelle Dee na makita ang sarili sa isang billboard sa EDSA-Guadalupe.
Tampok kasi dito ang billboard niya para sa sikat local clothing brand na Bench.
Bumisita si Michelle sa tulay kung saan matatanaw ang billboard at kumuha ng ilang pictures niya para i-celebrate ang milestone na ito.
"A dream turned reality! This will always be one for the books Kalma lang self!!!
"Thank you for the decade of love and trust @bcbench @migspastor @noelmanapat @karenjjardenil @benchbodyph ," sulat niya sa Instagram.
Masaya para sa kanya ang mga followers at mga kaibigan niya na nag-iwan ng congratulatory messages sa comments.
Gayunpaman, nagpahayag din ang mga ito ng pagkadismaya sa estado ng Pasig River.
Kitang-kita kasi ang mga basura at iba't ibang uri ng polusyon sa ilog.
Nag-react dito si Michelle at hinikayat ang kanyang followeres na gawin ang lahat ng makakaya, maliit man o malaki, para pangalagaan ang kalikasan.
"I hear you guys. Kahit ako, na-frustrate.
"But this didn't happen overnight and what we choose to do now still matters.
"Let's do our part, big or small. ," sulat niya sa comment section ng kanyang post.
Samantala, humaharap si Michelle sa ilang legal battles.
Kabilang diyan ang pagkakaso niya ng qualified theft at perjury laban kay Alyas Totoy na dating driver at personal assistant ng kaibigan niyang si Rhian Ramos.
Nagsampa rin siya ng cyberlibel laban sa content creator na si Xian Gaza dahil sa 'di umanong mapanirang mga pahayag nito tungkol sa kanya.