
Malapit nang magpaalam si Michelle Dee sa karakter niyang si Hazel sa romance drama na I Left My Heart in Sorsogon sa susunod na Linggo.
Sa exclusive interview kay Michelle ng 24 Oras, isinalarawan ng actress-beauty queen na isang “nurturing” experience na gawin ang soap na ito na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Paolo Contis, at Richard Yap.Sabi ni Michelle sa panayam ni Nelson Canlas, “Just the fact that my experience with this group was so fulfilling and so nurturing in terms of my craft and personal relationship also, parang it's something that I'm really-really going to miss.”
Samantala, ayon sa Kapuso director na si Mark Sicat Dela Cruz, malaki rin daw ang posibilibad na magkaroon ng book two ang primetime soap.
Paliwanag ni Direk Mark, “Definitely meron po, may chance po na magka-book two po. So, marami pang puwede ikuwento, tapos marami pang ikuwento sa buhay ni Celeste.”
Balikan ang best memories ng cast sa probinsya ng Sorsogon, bago ang kanilang finale episode sa gallery below.