
Nasa Top 2 na ngayon ang Miss Universe 2023 hopeful na si Michelle Dee sa Voice for Change category.
Inanunsiyo ito ng Miss Universe Philippines sa kanilang Facebook page. Kasabay nito ang muling paanyaya na patuloy na bumoto para sa kandidata ng Pilipinas, di lamang sa Voice for Change category kung di pati sa Fan Vote category.
The post then called on the Filipinos asking them to vote for Michelle to make her number one not only in the Voice for Change but also in the Fan Vote categories.
“Please keep on voting. You can vote everyday! Because with your help, we can be in a more secure spot-- we can be no.1!” they wrote in the post.
They then ended it with “Pilipinas, kaya natin to!” and the hashtag #BayanihantobeNo1.
BALIKAN ANG PAGHAHANDA NI MICHELLE PARA SA PASARELA SA GALLERY NA ITO:
Sa Voice for Change competition, binibigyan ng pagkakataon ang Miss Universe 2023 candidates na ipahayag ang kanilang mga kuwento, sa pamamagitan ng isang video, tungkol sa napapanahong social issues na angkol sa adhikain ng United Nations Sustainable Development.
Gaya ng kaniyang advocacy, ang submission ni Michelle ay tungkol sa autism acceptance, inclusivity and empowerment.
Samantala, ang Fan Vote naman ay paraang ng Miss Universe para malaman kung sino ang napupusuang kandidata ng mga manonood at para matulungan na rin sila mapalapit sa korona sa pamamagitan ng pagboto online.
Ang kandidata na makakakuha ng pinakamaraming Fan Votes ay makakakuha ng direct entry sa semifinals.