GMA Logo Michelle Madrigal
Source: mitch_madrigal (Instagram)
Celebrity Life

Michelle Madrigal, 'healing and happy,' single na ulit?

By Jimboy Napoles
Published August 3, 2023 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AFTER 10 YEARS – Mark Lee leaves NCT and SM Entertainment | GMA News Feed
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Michelle Madrigal


Break na nga ba si Michelle Madrigal sa kaniyang American boyfriend na si Kyle?

Tila kinumpirma na ng aktres na si Michelle Madrigal ang kaniyang pagiging single base sa kaniyang Instagram video, kasunod ng isyu ng hiwalayan nila ng American boyfriend na si Kyle.

Sa nasabing post, makikita ang paglalakad ni Michelle sa labas ng isang building. Ang video ay may caption na, “I'm 34. Divorced. Single. Mom of 1. Healing and happy.”

Makahulugan din ang nakasaad sa mismong post ni Michelle na, “I'm proud of her. She's courageous, wiser & full of wisdom. Don't underestimate what GOD can do to heal you. You just have to ask and surrender.”

A post shared by Michelle Madrigal (@mitch_madrigal)

May 2023 nang mapabalitang hiwalay na si Michelle at Kyle nang mapansin ng ilang netizen na burado na ang kanilang mga larawan sa Instagram ng dating aktres.

Matatandaan na August 2022 nang ipakilala ni Michelle si Kyle bilang kaniyang bagong boyfriend kasunod ng hiwalayan nila ng kaniyang asawa na si Troy Woolfolk.

Si Troy ang ama ng nag-iisang anak ni Michelle na si Anika.

Noong December 2022, magkasama pa sina Michelle at Kyle na nag-celebrate ng Pasko kasama ang kani-kanilang mga anak.

Nag-travel pa ang dalawa sa Thailand at sa Pilipinas kasama ang mga kaibigan ni Michelle.

Base sa recent post ng aktres, siya ngayon ay “healing and happy,” “courageous, wiser, and full of wisdom.”