Article Inside Page
Showbiz News
Michelle Madrigal’s boyfriend revealed
Kilala na ang bagong boyfriend ng sexy Kapuso star na si Michelle Madrigal matapos makunan ng GMA News ang sweet nilang eksena sa summer aqua fest sa Camarines Sur.
Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, inamin ng aktres na happy siya ngayon sa kanyang lovelife. Matatandaan na naging masikreto si Michelle sa identity ng kanyang bagong nobyo.

Pero sa dinaluhang sports aqua fest sa CamSur, naaktuhan ng lente ng GMA News ang eksena kung saan niyakap at hinalikan sa labi ni Michelle ang hunk model na si John Hall.
Si John na nga ba ang itinatago niyang bagong boyfriend?
“Kung ano man yung nakikita nyo, yun na lang ‘di ba? Kasi mas okey na yatang ganun," natatawang sagot ng dalaga.
Idinagdag ni Michelle na matagal na silang magkakilala ni John at mayroong silang mga common friend.
“Kakilala nya yung mga kaibigan ko e so... kaibigan niya si Paolo, yung mga none showbiz friends ko kaibigan n’ya rin, nakakalaro n’ya ng football," kuwento pa ng aktres.
Bagaman nakakapagod umano ang aqua fest, masaya naman daw si Michelle. Dahil walang taping ang kanyang soap na
First Time, may panahon pa umano para makapagpahinga siya pagbalik niya sa Maynila. --
GMANews.tv
Pag-usapan si Michelle sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!