What's Hot

Michelle Van Eimeren spoils ex-husband Ogie's son, Nate

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 14, 2020 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado ang ex-wife ni Ogie Alcasid na si Michelle Van Eimeren that she spoils his son Nate. Ano naman ang masasabi ng asawa nito na si Regine? 
By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Sa kauna-unahang pagkakataon, sabay na ibinahagi ni Regine Velasquez-Alcasid at Michelle Van Eimeren-Murrow ang kuwento ng masaya nilang pagkakaibigan sa Sarap Diva.
 
Kuwento ni Regine, "Tradition po namin, pumupunta po kami ng Australia kapag Christmas. Tapos kapag puwede, like for next next Christmas, sila naman ang magpupunta dito."
 
"Yes, when you got married. It was very special," dagdag ni Michelle.
 
Ex-wife ni Ogie Alcasid si Michelle at ngayon ay happily married sila ni Regine. Kaya naman marami umano ang nagtataka paano nila napapanatili ang kanilang friendship.
 
Pahayag ni Regine, "Ang sarap sarap po talaga ng feeling. Alam ko sa iba, parang weird, pero sa amin po, it works. It's our family." 
 
Ibinahagi rin ni Regine na sobra ang pag-spoil ni Michelle sa anak nila ni Ogie na si Baby Nate. Sa isang Instagram post, ipinakita ni Regine ang regalo ni Michelle for Nate.
 
 

Sobrang happy sa pasalubong ni dad thank you dad @ogiealcasid and ninang @michellevaneimeren ????

A video posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 
Kuwento ni Michelle, "Gusto ko bibilin lahat ng colors [ng clay for Nate], para puwede siyang you know, he can make halo. Si Ogie naman [sinabi], he can't mix it."
 
"Why are you so mean, bakit ganoon, e baby siya! Dapat sa kanya, hindi sa iyo eh," natatawang pahayag umano ni Michelle kay Ogie.
 
Ayaw rin umano ni Ogie na madaming bilhin si Michelle para kay Nate. Hindi naman nagpatalo ang ninang ni Nate, kaya naman natatawang sabi niya kay Ogie, "Uy bakit? Police ka?" 
 
"I spoil him eh," dagdag ni Michelle.
 
Ibinahagi rin ni Regine na lagi itong nagpapadala ng mga damit para kay Nate.
 
"Clothes. Ang dami, like every year she would always get me a size bigger. So by the time bibili siya, mayroon nang bago ulit. So forever. You spoil him. Thank you," ani Regine kay Michelle.
 
"Love ko siya," sagot ni Michelle.