
Ipinamalas nina Miggs Cuaderno at Eunice Lagusad ang kanilang galing sa pag-arte sa 'Prima Donnas: Watch From Home' noong Biyernes, July 3.
Chinallenge ng kanilang co-stars na sina Katrina Halili, Wendell Ramos, at Aiko Melendez sina Miggs at Eunice na gampanan ang trending scene nina Lilian--na ginagampanan ni Katrina--at ni Kendra,--na binibigyang-buhay ni Aiko--sa show.
Si Eunice, ang gumaganap na kasambahay na si Juday, ay gumanap bilang si Kendra samantalang si Lilian naman si Miggs, na gumaganap na Coco sa Prima Donnas.
Panoorin ang kung gaano kagaling sina Miggs at Eunice pagdating sa aktingan:
Lingid sa kaalaman ng nakararami, award-winning na ang 15-years old na si Miggs. Napanalunan niya ang Best Actor award sa Chéries-Chéris International Film Festival sa Paris para sa kanyang pelikulang “Quick Change.”
Miggs Cuaderno tours the set of 'Prima Donnas'
Kapuso child star Miggs Cuaderno looks back at his humble beginnings