
Sina Miggs Cuaderno at Euwenn Mikaell ang bibida sa Christmas special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Two Brothers and a Christmas Wish," kuwento ito ng magkapatid na nakatira sa kariton.
Si Miggs ay si Arnold habang si Euwenn naman ang younger brother niyang si Joshua.
Makakapulot sila ng pantalon na may pera mula sa mga basurang kinokolekta nila.
Matutuklasan nilang may magic ang pantalon na kayang ibigay ang kanilang mga hiling.
Ito na ba ang tutupad sa Christmas wish nina Arnold at Joshua na magkaroon ng maayos na buhay?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode at Christmas special na "Two Brothers and a Christmas Wish," December 14, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.