
Muling ipamamalas ni Kapuso actor Miggs Cuaderno ang kanyang husay sa pag-arte sa bagong episode ng Regal Studio Presents.
Gaganap si Miggs bilang Kenneth, isang binatang torn sa pagitan ng kinalakihang ina at ng tunay na ina sa "I Have Two Moms."
Lumaki si Kenneth sa pangangalaga ng kanyang auntie na si Sarah, karakter ni Ina Feleo, habang nagtatrabaho abroad ang nanay niyang si Ethel, karakter naman ni Sue Prado.
Dahil bata na pa lang ay nasa poder na si Sarah, ito na ang itinuturing niyang ina at "mama" na rin ang tawag niya dito.
Kaya naman nang umuwi si Ethel mula sa pagtatrabaho sa Canada matapos ang pitong taon, tila malayo ang loob ni Kenneth sa kanya.
Hindi rin mapigilan ni Ethel na magselos sa close relationship nina Kenneth at Sarah. Makukuha pa ba niya ang loob ng anak?
Ano naman ang magiging reaksiyon nina Kenneth at Sarah kung nais nang isama ni Ethel ang anak pagbalik niya sa Canada?
Abangan 'yan sa "I Have Two Moms," December 18, 11:15 a.m. sa Regal Studio Presents.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: