What's on TV

Miggs Cuaderno, bida sa special Pride Month episode na 'Regal Studio Presents: My Special Outing'

By Marah Ruiz
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated June 3, 2022 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SM Supermalls Celebrates DOLE’s 92nd Anniversary and Marks 30,000th Hired-On-The-Spot Milestone
These hotel offerings are perfect for the holidays
Tree from rubble lights hope in UP Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Miggs Cuaderno


Isang inspiring story para ngayong Pride Month ang bibigyang buhay ni Miggs Cuaderno sa 'Regal Studio Presents: My Special Outing.'

Pagbibidahan ni Kapuso teen actor Miggs Cuaderno ang "My Special Outing," isang inspiring LGBTQIA+ story na handog ng weekend anthology series na Regal Studio Presents ngayong Pride Month.

Source: miggscuaderno (IG)

Gaganap siya bilang Felix, isang teenager na hindi pa "out" sa kanyang pamilya.

Minsan na niyang sinubukang aminin sa kanyang tatay na isa siyang bakla pero nanaig ang takot niyang masaktan ito.

Sa kasamaang palad, sumakabilang buhay na ang tatay niya bago pa sila muling nagkaroon ng heart-to-heart talk.

Hindi pa rin makapag-come out si Felix sa kanyang pamilya dahil inaasahan nilang maging role model siya para sa kapatid na si Joven, played by Bryce Eusebio.

Bukod dito, mataas din ang expectations ng pamilya para kay Felix.

Pero sa pagbisita nila sa isang resort, makikilala ni Felix si Aaron, role naman ni Ralph Dreyfus.

Ang guwapong binata na ba ang magbibigay kay Felix ng lakas ng loob na ibahagi sa kanyang pamilya ang parte ng katauhan niya na matagal na niyang itinatago?

Abangan ang special Pride Month episode na "My Special Outing," June 5, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: