What's on TV

Miggs Cuaderno, gaganap bilang anak na mapapaslang ang sariling ama sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published March 24, 2022 3:31 PM PHT
Updated March 24, 2022 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US treasury chief rules out renewal of US waivers for Iranian and Russian oil
2 Lalaki Angol Human Madisgrasya sa kurbadahong Karsada sa Balamban | Balitang Bisdak
RIEHATA, SB19 to collaborate on a special dance performance

Article Inside Page


Showbiz News

Miggs Cuaderno on MPK


Bibigyang-buhay ni Miggs Cuaderno ang kuwento ng isang anak na mapipilitang patayin ang sariling ama sa bagong episode ng '#MPK.'

Isang natatanging pagganap na naman ang dapat abangan mula sa multi-awarded Kapuso teen actor na si Miggs Cuaderno sa fresh at brand new episode ng real life anthology series na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay ni Miggs ang kuwento ni JunJun, isang binatilyong magkakamit ng parricide, o pagpatay sa sarili niyang ama.

Lumaki si JunJun at kapatid niyang si Pem (Elijah Alejo) na nasasaksihan ang pananakit ng kanilang amang si Mario (Neil Ryan Sese) sa kanilang ina na si Imelda (Eula Valdez).

The My Fathers Killer on MPK

Palainom at gumagamit pa ng bawal na gamot si Mario. Si Imelda naman, pilit na iniintindi ang asawa at patuloy na umaasa na magbabago ito.

Si JunJun ang nagsisilbing protektor ni Imelda kaya naman magtatanim siya ng hinanakit kay Mario. Bukod dito, nagsisikap siyang magtrabaho at mag-ipon para maiwan na nila ang mapang-abusong ama.

Isang gabi, magkakaroon ng pagtatalo ang mag-ama. Aksidenteng mapapatay ni JunJun si Mario habang pinoprotektahan sina Imelda at Pem.

Ligtas na ang kanyang pamilya pero ano ang mangyayri kay JunJun ngayong napatay niya ang sariling ama?

Abangan 'yan sa fresh at brand new episode na "My Father's Killer," March 26, 8:00 p.m. sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: