What's Hot

Miggs Cuaderno to Ken Chan: 'Kuya Ken, huwag kang ma-pressure'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 7:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dog who allegedly bit a chicken shot with airgun
A drone view looking towards Ashton-in-Makerfield
Grammys 2027 key dates you need to know

Article Inside Page


Showbiz News



Para sa award-winning child actor, mas magaling daw si Ken kaysa sa kanya. 
By MICHELLE CALIGAN
 
Hindi raw naging madali para sa award-winning child actor na si Miggs Cuaderno na gampanan ang role ng batang Joey sa afternoon series na Destiny Rose. Ito ay kahit pa todo puri sa kanya si Ken Chan, who played the grown up Joey.
 
 

Good morning... mamaya na po ang pilot episode ng gma7 afternoon prime DESTINY ROSE #gma #artistcenter #production56 #gmanetwork #actor #destinyrose #lgbt

A photo posted by Miggs Cuaderno (@miggscuaderno) on

 
"Mahirap kasi first time ko gumanap na babae so medyo mahirap, lalo na 'yung mga workshop. Lalaki ako eh, hindi ko mapalambot ang katawan ko, stiff daw kasi. Mahirap kasi hindi naman lahat ng tao nakakagawa ng ganung role," kuwento ni Miggs sa GMANetwork.com during the Christmas station ID shoot.
 
Ano naman ang masasabi niya sa sinabi ni Ken na nape-pressure daw siya sa galing ni Miggs?
 
READ: Ken Chan, bilib sa husay sa pag-arte ni Miggs Cuaderno
 
"Kuya Ken, huwag kang ma-pressure. Mas magaling ka naman sa akin."
 
Pahayag pa ni Miggs, wala rin daw problema sa kanya kung bigyan siya ulit ng ganitong klaseng character.
 
"Okay lang naman. [At least] kapag nag-ganung role ulit ako, hindi na ako mahihirapan kasi na-experience ko na."
 
READ: Kapuso stars, pinarangalan sa 63rd FAMAS Awards 
 
Nagtapos man ang pagiging bahagi niya ng Destiny Rose, dumami naman ang kanyang movie projects. In fact, tatlong pelikula ang pinagkakaabalahan niya ngayon.
 
"Showing na po sa November 11 ang Maria Labo, directed by Roi Vinzon. Ang Child House directed by Louie Ignacio, this November din 'yan. Ang pangatlo ko po, Lila, directed by Gino Santos. Wala pa pong release date 'yun."
 
Nahihirapan ba siyang gawin ang lahat ng ito?

"Hiwa-hiwalay sila ng schedule. Minsan 'yung isa Monday, tapos isa Tuesday, parang ganun. Pero 'yung iba naman po, after one month pa so nakaka-rest naman."