
May walong taon na ang indie folk-pop band na Ben&Ben na pinangungunahan ng kambal na frontmen nitong sina Miguel at Paolo. Matapos ang mahabang panahon ng banda na magkakasama, handa na nga bang magkaroon ng solo career ang magkapatid?
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, September 10, inamin ni Paolo kay King of Talk Boy Abunda na may posibilidad naman talaga na magkaroon sila ng solo career na malayo sa isa't isa ni Miguel.
Ngunit paglilinaw ng kalahati ng kambal ng Ben&Ben, “But nag-evolve na rin po, Tito Boy, 'yung definition ng solo ngayon, e. Kasi parang it can happen while the band is still together. Parang, there comes a season na we explore like our solo projects, and then we get back together.”
Isa na nga dito sa solo projects na sinasabi ni Paolo ay ang pagiging double coach nila ni Miguel sa upcoming season ng The Voice Kids kung saan isa sila sa mga bagong coach kasama si Zack Tabuldo.
Kwento ni Paolo, “very supportive” naman ang kanilang bandmates na sina Poch Barretto, Jam Villanueva, Agnes Reoma, Andrew de Pano, Toni Muñoz, Keifer Cabugao, at Patricia Lasaten sa kanilang pagsabak sa pagiging coaches ng naturang programa.
Saad pa ni Miguel, ang pagkakaroon ng ibang projects bukod sa kanilang banda ay isang bagay na hinihikayat nilang gawin ng kanilang mga kabanda.
“Like for example, si Pat and Agnes, and then Pat also released her own instrumental music, mga ganu'n. Parang oh, our guitarist, Ponch, is flying to Japan soon to play guitar with some of the greatest in the world,” bahagi ni Miguel.
Ayon kay Miguel, iyon naman ang pagkakaibigan, ang pagbibigay ng suporta sa isa't isa. Ngunit pag-amin niya, hindi rin naman iyon madaling makukuha.
“That's the thing, you earn it, it takes years of building trust, building openness, and a lot of humility. And you know, you won't get that easily, parang you work for it,” sabi ni Miguel.
TINGNAN ANG PAGDIRIWANG NG BEN&BEN NG KANILANG 8TH ANNIVERSARY, AT ANG MGA NATUTUNAN NILA TUNGKOL SA PAGKAKAIBIGAN SA GALLERY NA ITO: