
Isang kuwento tungkol sa wagas pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak ang tampok sa real-life drama anthology na #MPK (Magpakailanman).
Gaganap ang aktor na si Cris Villanueva bilang Pepito, isang single gay man. Dahil sa kanyang kasarian, hindi siya papalaring magkaroon ng sarili niyang anak.
Gayunpaman, bukas ang kanyang puso at kukupkupin niya si Jeremy, role naman ni Kapuso actor Miguel Tanfelix.
Galing si Jeremy sa isang broken family. Magkakawatak-watak sila ng kanyang mga kapatid matapos mamatay ang kanilang ina na mag-isang nagtataguyod sa kanila.
Bubusugin ni Pepito sa pagmamahal si Jeremy at ibibigay lahat ng pangangailangan.
Pero habang nagbibinata, matututong ikahiya ni Jeremy si Pepito. Nakakaranas kasi si Jeremy ng pangungutya mula sa mga kaeskuwela dahil bading ang kanyang ama.
Magbabago ba ang relasyon ng mag-amain dahil dito?
Abangan 'yan sa "Ang Pagmamahal ng Isang Amang Beki" ngayong Sabado, July 3, 8:00 p.m. sa #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: