
Isang classic anime ang panibagong hatid ng GMA ngayong October.
Muling tunghayan ang kuwento ng pag-ibig, giyera at robots sa Daimos.
Sa gitna ng digmaan ng planetang Earth at ng mga survivors mula sa nasirang planeta ng Brahmin, makikilala ni Richard Hartford ang misteryosong babaeng si Erika.
Si Richard ay piloto ng robot na Daimos, isang makapangyarihang armas na ginagamit laban sa pwersa ng mga Brahmin.
Si Erika naman ay nagtatrabaho bilang isang field doctor bago mawala ang kanyang mga alaala dahil sa isang aksidente.
Mahuhulog ang loob nila sa isa't isa, pero nang magbalik ang memorya ni Erika malalaman niyang siya ang prinsesa ng mga Brahmin.
May puwang pa ba para sa pag-ibig nina Richard at Erika ang digmaan ng kanilang mga mundo?
Si Miguel Tanfelix ang magbibigay-boses kay Richard, habang si Bianca Umali naman ang magsisilbing voice actress para kay Erika.
Panoorin ang classic anime na Daimos, simula October 2 Lunes hanggang Biyernes, 8:50 AM-9:15 AM sa tahanan ng mga astig, ang GMA Astig Authority!