
Ilang beses naging cover ng piling mga magazines nitong mga nakaraang buwan ang Kapuso love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Kamusta naman kaya ang naging experience ng dalawa dito?
Ilang beses naging cover ng piling mga magazines nitong mga nakaraang buwan ang Kapuso love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Ayon sa dalawa, mahilig talaga silang kumuha ng mga pictures.
"Kami kasi ni Bianca, mahilig kaming mag-pictorial," paliwanag ni Miguel sa piling kinatawan ng ilang digital entertainment platforms, kasama na ang GMANetwork.com.
LOOK: Miguel Tanfelix's feature on an online fashion hub
"Kahit hindi siya for magazine," dagdag ni Bianca sa parehong panayam.
"Si Bianca mahilig mag emote eh!" biro ni Miguel.
"Grabe ka, parang ikaw hindi ah!" sagot naman ni Bianca sa kanyang Wish I May co-star.
Naging libangan na raw nina Bianca at Miguel ang pagkuha ng mga litrato, dahil na rin sa kanilang mga cameras na magkaterno pa.
"We both have cameras. Birthday gift ko sa kanya was a camera like I had," paliwanag ng aktres.
Dahil dito, lubos nilang na-enjoy ang kanilang karanasan sa pagshu-shoot ng mga magazine covers. May mga bago raw silang natututunan sa bawat cover o fashion spread na ginagawa nila.
"'Pag nagpi-pictorial, parang nagkakaroon ka ng chance na isuot 'yung mga damit or style ng damit na hindi mo pa nasusuot before. So makikita mo, ay bagay sakin 'yung ganito," ani Miguel.
LOOK: Online fashion website features Bianca Umali’s ‘Age of Innocence’
Bukod doon, panibagong challenge sa kanila ang magpahayag ng emosyon na walang ginagamit na salita o kilos.
"It's very different talaga from teleserye kasi uma-acting ka pero 'yun naman you have to act in photos lang. You have to make the people feel emotions ng naka-still ka lang, through a picture," ayon naman kay Bianca.
"Kapag magte-tape ka ng isang scene, kailangan gumagalaw tayo through words. 'Yun talaga through body language lang, through your face, how you dress up, ganun. It's really different. Masaya and thankful po kami na nabibigyan po kami at nafi-feature po kami in different magazines lately," dagdag ni Bianca.
MORE ON MIGUEL TANFELIX ANG BIANCA UMALI:
BiGuel: ‘GMA’s next big thing’ – Spotted PH
Bianca Umali at Miguel Tanfelix, gustong maging business partners