What's Hot

Miguel Tanfelix at Bianca Umali, may mensahe sa mga Kapuso supporters

By Maine Aquino
Published May 20, 2018 10:12 AM PHT
Updated May 20, 2018 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Puno ng pasasalamat ang BiGuel sa ginanap na 'Summer Saya Grand Fans Day' ng Artist Center nitong May 19 sa Music Museum. Silipin!

Puno ng pasasalamat sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa ginanap na Summer Saya Grand Fans Day ng Artist Center nitong May 19 sa Music Museum.

Ang performance ng BiGuel ay isa lamang sa mga kaabang abang na performances na inihanda ng mga Kapuso stars sa kanilang mga loyal fans. Para ipakita ang kanilang pasasalamat sa suportang kanilang natatanggap ay nagbigay ng mensahe sina Miguel at Bianca sa kanilang mga fans at iba pang tagahanga ng ibang artists ng Kapuso network.

 

Check out this adorable number from #KambalKaribal stars Miguel Tanfelix and Bianca Umali, who came from rehearsals for Sunday PinaSaya, at today’s #ArtistCenterFansDay! ?? @migueltanfelix_ @bianxa

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Ani Miguel, "Sana nag-enjoy kayo sa buong maghapon na ito. Sana na-inspire kayo sa ipinakita namin... Thank you so much sa inyong lahat. Wala kami dito kung wala kayong lahat. Thank you guys!"

Nagpasalamat naman si Bianca sa walang sawang suporta ng kanilang fans sa kanilang tambalan at pati na rin sa kanilang programa na Kambal Karibal.

"Sa mga sumusuporta sa akin, at kay Miguel, sa aming dalawa, and of course sa Kambal Karibal, maraming maraming salamat po."