What's Hot

Miguel Tanfelix at Bianca Umali, may mutual understanding?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 9:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Real love na nga ba ang namumuo sa BiGuel?



Pitong taon nang magkakilala ang Kapuso teen stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at maglilimang taon na ang kanilang love team mula nang magsimula ito sa drama-fantasy series na Paroa.

Masasabing malaki ang tiwala ng Kapuso network sa dalawa dahil nabigyan na sila ng Primetime soap na Once Upon a Kiss kung saan sila ang mga bida at ang kanila pang love team ang napili para sa pilot story ng interactive romantic-comedy series na Usapang Real Love.

#MagpaFANsin na kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa ‘Usapang Real Love!’ 

Real love na nga ba ang namumuo sa BiGuel? Pinabulaan ni Bianca na nanliligaw sa kanya ang 18-year-old actor, “Wala pa po ako kahit ano about love. Dadating naman po siguro kami doon pero sa ngayon ay focus muna sa main priorities – family, career and studies.”

Hindi naman nagmamadali si Miguel dahil 16 years old pa lang ang kanyang ka-love team. Ang importante raw ay masaya sila at nagkakaunawaan.

“Sa amin po ni Bianca, wala pong label. Hindi po natin masasabi na lovers pero masasabi ko po na mas matatag po ang relasyon namin ni Bianca kaysa bilang kaibigan. Tinuturing ko po siyang more than friend kasi maasahan ko po si Bianca sa lahat. Nagkakaunawaan po kami sa lahat ng bagay,” paliwanag ng binata sa panayam ng GMANetwork.com.

Dagdag ng aktres, “May understanding po kami pero hindi po mutual. (laughs)”

MORE ON USAPANG REAL LOVE:

What you’ve missed from ‘Usapang Real Love’ presents “Dream Date” episode

#LoveBytes: Bianca Umali, ibinahagi ang kanyang chocolate cake recipe mula sa ‘Usapang Real Love’