
Matindi ang research na ginagawa ng team ng Kapuso Mo, Jessica Soho para sa taunang "Gabi ng Lagim."
Ngayong magiging pelikula na ito sa unang pagkakataon, humanga ang lead stars na sina Miguel Tanfelix at Elijah Canlas sa paghahanda para dito.
"Every time na manonood ako ng movie, 'tapos makikita ko na base siya sa totoong buhay, may extra kaba after mong mapanood 'yung film. [Itong] Kapuso Mo, Jessica Soho, ginawang movie 'yung 'Gabi ng Lagim' kaya makaasa ka na talagang pinaghandan 'to and pinaganda ng bawat isa sa production," pahayag ni Miguel.
Bibida si Miguel sa segment na pinamagatang "Pocong." Gaganap siya dito bilang seaman na nakakakita ng pangitain ng kamatayan.
Masaya naman si Elijah na napaghandaan niya ang kanyang role sa tulong na rin ng team.
"'Yung KMJS team, they did their research. Shinare nila 'yun with me, kung ano 'yung origins ng isang berbalang. 'Yung paniniwala na 'yan, parte 'yan ng kultura natin bilang mga Pinoy, 'yung mga supernatural, 'yung mga aswang, mga multo," lahad ni Elijah.
Bahagi si Elijah ng segment na "Berbalang" na tungkol naman sa isang nilalang na kumakain ng bulok na laman ng mga patay.
KILALANIN ANG IBA PANG BIDA SA KMJS' GABI NG LAGIM: THE MOVIE:
Mapapanood ang KMJS' Gabi ng Lagim: The Movie sa mga sinehan nationwide simula sa November 26.
Panoorin ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.