GMA Logo Mga Batang Riles tiktok
What's on TV

Miguel Tanfelix at 'Mga Batang Riles' co-stars, nagpauso ng bagong dance challenge sa TikTok

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 3, 2025 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles tiktok


Alamin dito kung paano sayawin ang Kidlat dance challenge.

Pinauso ng mga bida ng GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon ang Kidlat dance challenge.

Hango ang dance challenge sa kanta ni Plume na “Kidlat,” na siya ring pangalan ni Miguel sa Mga Batang Riles.

"Ito po ay isang trend na pwedeng gawin ng mga couples, pwede tong gawin ng matatalik na magkaibigan, kunwari mag-tropa kayo, pwede niyong gawin 'to," saad ni Miguel sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"Gumawa kami ng steps, at panoorin niyo na lang po sa aming TikTok accounts, may tutorial kami doon. Basta, ang sarap niya sayawin, e."

@migueltanfelix98 ⚡️👶🏻🤓🥊 #MgaBatangRiles #fyp ♬ Kidlat - Plume

Patindi na nang patindi ang mga tagpo sa Mga Batang Riles lalo na't maghaharap na ang MBR at ang grupo nina Matos (Bruce Roeland) at Jackson (Paolo Contis).

Patikim ni Miguel, "Kailangan pagbayaran ng may mga kasalanan 'yung nangyari kina Mutya, kina Lala at Lulu, dahil hindi biro 'yung pamimintang na nangyari sa kanila. Siyempre, kaming Mga Batang Riles, bilang kaibigan nila, gagawa kami ng paraan para pagbayaran nila 'yun."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras dito:

Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.