What's Hot

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, enjoy sa taping ng pelikulang 'Firefly'

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 25, 2023 1:25 PM PHT
Updated October 25, 2023 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant 8th to 31,000 points as Rockets sink Suns
#WilmaPH spotted over coastal waters of Sulat, Eastern Samar
This family weekend workshop features experts to elevate Filipinos' kitchen and dining holiday traditions

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega in Firefly


Panoorin sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa 'Firefly' sa December 25 bilang parte ng MMFF.

Masayang masaya ang onscreen love team na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na pasok sa 2023 Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikulang Firefly na handog ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.

Ayon kay Ysabel, habang ginagawa nila ang Firefly ay nasa isip na nila na mapapanood sila sa darating na Kapaskuhan.

"We were so happy kasi when we were shooting the film, that's really what we had in mind talaga, is sana talaga makapasok kami sa MMFF," pag-amin ni Ysabel sa Unang Hirit.

"Sobrang ganda nung story, sobrang inspiring nung movie na talagang pangpamilya talaga, pang-Pasko, pang-MMFF.

"Sobrang happy kami and sobrang proud."

Dagdag ni Miguel, malaking achievement na sa una nilang pagsasama ni Ysabel sa big screen ay ipapalabas na agad ito sa MMFF.

Aniya, "Ako, proud ako kasi sobrang laking achievement na 'yun sa amin ni Ysabel for the film na, 'yun pa lang, mapasok pa lang sa mga entries ngayong taon ng MMFF, malaking achievement na 'yun."

Sa Firefly, nakatrabaho nina Miguel at Ysabel sina Euwenn Mikaell, Alessandra De Rossi, Cherry Pie Picache, Epi Quizon, Yayo Aguila, at Max Collins.

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega kasama si Euwenn Mikaell sa Albay kaharap ng Mayon Volcano.

May special role rin sa pelikula si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

"Ako nag-enjoy ako, honestly, dahil para kaming nagta-travel, e, hindi kami parang nagtatrabaho nung nagsu-shoot kami ng Firefly," kuwento ni Miguel tungkol sa kanilang taping.

"Nag-spend kami ng one week sa Bicol tapos 'yung locations namin, Mount Mayon [at] Mount Bulusan. Adventure talaga siya."

Iikot ang Firefly sa paghahanap ni Tonton (Euwenn Mikaell) sa isang islang puno ng alitaptap na kinukuwento ng kanyang inang si Elay (Alessandra De Rossi).

Mapapanood ito simula December 25 sa mga sinehan sa buong bansa.