GMA Logo ysabel ortega and miguel tanfelix
What's on TV

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, mag-on na nga ba?

By Jansen Ramos
Published July 26, 2022 5:02 PM PHT
Updated July 29, 2022 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

ysabel ortega and miguel tanfelix


Boto ba kay Miguel Tanfelix ang ina ni Ysabel Ortega na si Michelle Ortega-Pimentel para sa anak nito?

Hindi nakaligtas sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa mga tanong ng press tungkol sa namamagitan sa kanila sa special screening ng upcoming show nilang What We Could Be na mauunang ipalabas sa Voltes V: Legacy.

Makikitang may chemistry ang dalawa kaya naman hindi naiwasang intrigahin ang kanilang personal relationship.

Sa exclusive report ng Pep.ph noong April 1, 2022, kinumpirma ng ina ni Ysabel na si Michelle Ortega-Pimentel na nanliligaw si Miguel sa kaniyang anak at madalas daw itong bumisita sa kanila na may dalang regalo.

Magalang at pursigido daw si Miguel, ayon kay Michelle, na ikinatuwa naman ng aktor.

"Very thankful naman ako na very welcoming sila sa 'kin. Mababait po silang mga tao and sobrang na-a-appreciate ko po 'yun. Pumupunta po ako do'n, minsan nagdadala po ako ng cake. Nagdalala po ako ng something 'pag nagke-crave siya," pahayag ni Miguel.

Bukod sa materyal na bagay, na-a-appreciate din daw ni Ysabel ang pagiging maalaga ni Miguel, bagay na pinakanagustuhan niya sa binata.

"Very maalaga siya on set. It's the little things kasi talaga that matter at the end of the day at saka na-appreciate ko na he makes an effort din na, 'yun nga, makilala sila Mama when he comes over and he brings food for Mama, for me."

Sa ngayon, ayaw munang lagyan ng label nina Miguel at Ysabel ang kanilang relasyon.

'Walang words na kayang mag-describe ng relationship namin. I mean okay kami, happy kami together," ani Ysabel.

Hindi naman daw sila nagmamadali, bagay na aprubado rin ng ina ng aktres dahil gusto nitong mag-focus muna sila sa kani-kanilang career.

Pero, ayon sa aktor, hindi raw siya magsasarado ng kaniyang pintuan.

"Open naman ako sa mga possibilities. I'm single, she's single so 'di natin alam kung anong puwedeng mangyari in the future," sabi ni Miguel.

Madalas din nahuhuling magkasama sina Miguel at Ysabel.

Paliwanag ni Ysabel, hindi lang daw silang dalawa ang lumalabas dahil kasama nilang nagha-hang out ang kanilang co-stars sa Voltes V: Legacy.

Aniya, "Not just us two pero, for example, sa Voltes, we're very close with everyone there so we make it a point talaga to develop a relationship outside of work kasi makakatulong naman talaga 'yun sa project namin.

"Basta right now, we're just really enjoying the moment. We love working with each other.

"Na-e-enjoy namin kung ano man 'yung nagagawa namin together and one of that is this show [What We Could Be] and Voltes siguro that's it."

Madalas daw makitang extra sweet sina Miguel at Ysabel sa isa't isa pero ayaw pa nilang magbitiw kung ano ang real score sa pagitan nila.

Diin ni Miguel, basta't nariyan lang daw sila para isa't isa.

"Ando'n po kami para suportahan ang isa't isa. Ando'n ako para alagaan siya kasi 'pag nakikita ko siyang napapagod kasi from Voltes V, I mean parehas naman kaming napapagod, pero I just wanna be there for her para may mag-alaga sa kanya 'pag pagod siya."

Kung sakaling magka-develop-an sila, gugustuhin daw nilang pribado lang ang kanilang relasyon.

Bahagi ni Ysabel, 'Syempre, maganda rin naman na may part na to ourselves naman talaga and I think that's also one of the reasons din kung bakit excited kami about the show [What We Could Be] kasi there's really no pressure naman talaga when it comes kung anong meron naman kami onscreen professionally.

"It's just we enjoyed making the show and kung ano man ang reaksyon ng mga fans do'n or kung ma-enjoy man ng fans 'yung show, that's really good.

"But at the end of the day, there's no pressure. We're supporting each other and we're just there for each other. If there are things that are kept private then, okay lang."

Launching series nina Miguel at Ysabel ang What We Could Be bilang onscreen partners.

Bago ang premiere nito sa August sa GMA Telebabad, nagkaroon ang upcoming series ng special screening para sa pilot week nito na dinaluhan ng cast, fans, at ilang media.

TINGNAN ANG MGA LARAWAN MULA SA EVENT DITO: