GMA Logo Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega
What's Hot

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, nag-date nga ba?

Published March 24, 2022 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega


Nali-link ngayon si Miguel Tanfelix sa kaniyang 'Voltes V: Legacy' co-star na si Ysabel Ortega.

Walang paglagyan ng kilig ang fans nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega matapos mahuling tila magka-date ang dalawa.

Sa hiwalay na post nila sa Instagram noong March 22, makikitang nag-dine sa parehong restaurant sina Miguel at Ysabel.

Hindi nila idinetalye kung saan ito pero base sa interior ng establishment, magkasama ang dalawa noong araw na iyon.

"Happy" ang maikling caption ni Miguel sa kaniyang larawan kung saan makikitang maganda ang kaniyang ngiti.

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)

Masaya na makita ng shippers nina Miguel at Ysabel, na YsaGuel kung tawagin ng kanilang fans at supporters, na masaya ang kanilang mga iniidolo.

Komento ng isang netizen, "As your bias, happy ako for your happiness!!!!! Praying na lifetime na 'yan!"

"Ehemmmm I know the reason why our Steve is happy hehe. Thanks Jamie! este Ysa mwehehe," sabi pa ng isang follower na tinawag sina Miguel at Ysabel sa kanilang Voltes V: Legacy characters.

Samantala, heart emoji naman ang nilagay ni Ysabel sa kaniyang caption.

A post shared by Maria Ysabel Ortega (@ysabel_ortega)

Napansin din ng YsaGuel fans na magkasamang pumunta sa isang museo sa Makati ang Sparkle love team.

Wala pang inaamin sina Miguel at Ysabel tungkol sa real score sa pagitan nila pero as early as now, marami ang naniniwalang mahigit pa sa kaibigan ang turingan nila isa't isa.

Sa katunayan, hindi ito ang unang beses na nahuli silang magkasama.