
Maaksyon ang mga tagpo sa GMA Prime series na Mga Batang Riles ngayong linggo.
Mula sa pagkuha ng ebidensya nina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) hanggang sa pagkakabulag ni Yani (Ronnie Ricketts), makapigil hininga ang bawat tagpo ng Mga Batang Riles.
Sa Instagram, proud na ibinahagi ni Miguel Tanfelix kung paano nila ginagawa ang fight scenes sa Mga Batang Riles.
"isang buong linggong barkadagulan! sinong nakasubaybay?" sulat ni Miguel sa caption.
Ngayong nabulag na si Yani, paano kaya mababawi nina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags ang ebidensya na makapagpapatunay na hindi sila ang nagpasimula ng sunog sa Sitio Liwanag?
Patuloy na tumutok sa pa-aksyon na pa-aksyon na Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.