GMA Logo Miguel Tanfelix
What's on TV

Miguel Tanfelix, handa na ba sa sexy roles?

Published April 22, 2026 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Who is Sammy Uy?
Foreign exchange rate, April 22, 2026 | One Western Visayas
Anne Curtis is the cover star of a lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


Handa na nga ba si Miguel Tanfelix na maghubad sa harap ng camera?

Mula sa pagiging sikat na child star, napatunayan na ni Miguel Tanfelix ang kanyang galing bilang isa sa mga primerong dramatic actor ng kanyang henerasyon.

Marami na siyang roles na nagampanan sa telebisyon, pero karaniwan dito ay wholesome ang imahe. Ngayong nasa "brusko" era na si Miguel dahil sa kanyang mature look, handa na nga ba siyang maghubad sa harap ng camera?

Ayon sa panayam sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, April 22, bukas daw siya sa ganitong hamon depende sa depth ng proyekto.

"Depende pa rin sa materyal, kung gaano siya kaimportante. Kailangan may sense kung bakit kailangan magpa-sexy."

Natanong din ni Tito Boy kung bukas si Miguel sa full frontal nudity gaya ng eksena ng English actor na si Daniel Radcliffe sa teatro. Ngunit aminado si Miguel na may pag-aalinlangan siya sa pagtanggap sa ganitong ka-radikal na materyal. Aniya, "Hindi ko alam kung ready ang Pilipinas sa mga ganyang materyal."

Samantala, mapapanood si Miguel sa five-part magazine infotainment special na Planet XP, na unang hosting assignment niya.

Nakatakda rin siyang mapanood sa upcoming GMA series na Firewall.

RELATED FEATURE: Take a look at some of Miguel Tanfelix's most unforgettable roles in this gallery.