
Nag-viral kamakailan ang video na pinost ng ina ni Miguel Tanfelix na si Grace Tanfelix, kung saan makikita ito kasama ang ama ng Kapuso actor sa ospital.
Hindi kaagad nagsalita tungkol dito si Miguel ngunit sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, November 26, ikinuwento na ng KMJS' Gabi ng Lagim The Movie star ang nangyari.
Pagbabahagi ni Miguel, pauwi na siya galing Brazil noon para sa kanyang birthday travel celebration nang marinig niya ang balita.
"Imagine, two hours ang biyahe pabalik tapos inoperahan siya nu'n, saka hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Siyempre nakakakaba,” sabi ni Miguel.
Ayon kay Miguel, nagkaroon ng aksidente ang kanyang ama sa bahay habang wala siya. Dinala naman agad sa ospital ang kanyang ama, ngunit kinailangan maoperahan. Bukod dito ay hindi na nagbigay ng ibang detalye ang aktor.
Paglilinaw ni Miguel ay okay naman na ang kanyang ama, “Okay na po si Daddy ngayon, thankfully. Lakas na nga ni Daddy, e. Kasi malakas din si Daddy, e. Malakas ang pangangatawan, ang willpower.”
Dito sinabi ni King of Talk Boy Abunda na ang learning pala sa nangyari ay mas masaya ipagdiwang ang kaarawan kasama ang pamilya, bagay na sinang-ayunan naman ni Miguel.
“Kasi 'yun nga, 'yung nangyari is nasa ibang bansa din ako du'n pa nangyari 'yun, e. So baka may sumpa na magse-celebrate ako ng okasyon sa ibang lugar,” sabi ni Miguel.
TINGNAN ANG TRIBUTES NG ILANG CELEBRITIES SA KANILANG MGA AMA SA GALLERY NA ITO: