
In character ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix sa kanyang Edward Scissorhands costume para sa Halloween party ng Sparkle na 'The Sparkle Spell.'
Isinabuhay ni Miguel ang pagiging artificial humanoid na pawang mga gunting ang parehong kamay.
Sa Instagram post niya, makikita ang mga nakakatawa niyang videos kung saan mapapanood na nag-ala Edward Scissorhands--na isang introvert--si Miguel habang nasa isang restaurant.
Samantala, habang nagsasaya ang mga kapwa niya artista sa Halloween party, nasa isang sulok lang si Miguel na in character pa rin.
Sa comments section, pinuri naman ang panggagaya ni Miguel sa classic character ni Johnny Depp sa pelikulang Edward Scissorhands.
"Accurate 'yung acting," sabi ng isang commenter.
Para ma-refresh ang inyong memory, panoorin ang trailer ng 1990 American fantasy romance film na Edward Scissorhands dito:
SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG BEST DRESSED MALE CELEBRITIES SA THE SPARKLE SPELL: