
May patikim ang bida ng GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na si Miguel Tanfelix nang tahasan niyang sinabing may mamamatay sa kanilang serye.
Dagdag ni Miguel, sa pagkamatay ng isang karakter ay ang pagpasok ng panibagong makakasama nila sa Sitio Liwanag.
"Abangan nila kung magkakasama na ba ulit 'yung magnanay. Ito, spoil ko lang ah, may papasok sa week 14 namin, at meron din mawawala. May mamamatay at may papasok," patikim ni Miguel sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
Inaabangan ngayon kung magkikita nang muli ang mga karakter nina Miguel at Diana Zubiri, ang mag-inang Kidlat at Maying.
Thankful naman si Diana na si Miguel ang gumanap niyang anak sa Mga Batang Riles, lalo na't tumigil siya sa pag-arte ng ilang taon.
Saad niya, "Matagal rin akong hindi nag-artista, matagal rin akong walang experience sa action, so nadadala ako. Thankful ako sa kanya kasi magaling, magaling siya mag-deliver ng lines, nabibigyan niya ako ng motivation, na-i-inspire ako to do better."
Panoorin ang buong report ni Aubrey sa 24 Oras DITO:
Makakapiling na kaya ni Kidlat ang kanyang inang si Maying na binihag ni Argus (Jeric Raval)?
Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.