GMA Logo Miguel Tanfelix
What's on TV

Miguel Tanfelix, inilahad ang ayaw niyang ugali sa isang babae

By Dianne Mariano
Published November 29, 2021 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


Ano nga ba ang nag-iisang ugali na pinakaayaw ni Kapuso actor Miguel Tanfelix sa isang babae? Alamin ang kanyang sagot DITO:

Inilahad ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix ang nag-iisang ugali na ayaw nito sa isang babae sa segment na “Isang Tanong, Isang Takbo: Question Hunt Challenge” ng Mars Pa More kamakailan.

Sa larong ito, kailangan sagutin nina Miguel at Matt Lozano ang iba't ibang tanong na naka-assign sa kanila at kung sino ang mayroong pinakakaunting sagot ay haharap sa isang consequence.

Ang unang tanong na napunta sa Kapuso actor ay kung ano ang pinakaayaw nitong ugali sa isang babae.

Miguel Tanfelix on Mars Pa MorePhoto courtesy: GMANetwork (YouTube)

“Maarte,” mabilis na sinagot ni Miguel na ikinagulat nina Mars Pa More hosts Camille Prats at Iya Villania.

Wika pa ni Camille kay Iya, “Grabe, ang bilis sumagot Mars. At saka may bato pa.”

Nang makuha naman ni Miguel ang tanong na: “Mas gusto mo bang nililigawan ang kasama sa work or outside work? And why?” sagot ng aktor, “Depende sa babae siguro, kung magkasundo kayo o hindi.”

Ibinahagi rin ni Miguel ang co-star na kinakabahan siyang makaeksena sa kasalukuyang proyekto nito. Hindi man inilahad ng aktor ang pangalan nito ngunit ito raw ay ang magiging tatay niya sa Voltes V: Legacy.

Panoorin ang buong “Isang tanong, Isang Takbo: Question Hunt Challenge” segment ng Mars Pa More video sa ibaba.

Samantala, bibida si Miguel bilang Steve Armstrong at si Matt naman bilang Big Bert sa upcoming live-action series na Voltes V: Legacy.

Para sa mas maraming pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Kilalanin ang star-studded cast ng Voltes V: Legacy sa gallery na ito: